Formulary ng Gamot ng Medicare
Bawat Blue Shield of California Medicare Advantage at Medicare Prescription Drug Plan (Medicare Part D) ay may listahan ng mga gamot na sinasaklaw nito. Tinatawag na formulary ang listahang ito. Maaari ninyong ma-access ang listahan ng mga covered na gamot sa aming Medicare Advantage at Medicare Prescription Drug Plans (Medicare Part D) (tingnan ang seksyon na Formulary ayon sa plano sa ibaba). Kung mayroon kayong mga tanong tungkol sa kung paano mas maiintindihan ang inyong formulary, puntahan ang aming mga madalas itanong.
Paano gumagana ang aming mga formulary ng Medicare:
Bawat mga formulary ng Blue Shield of California ay naglalaman ng mga gamot na sinuri at inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA). Palaging pinapabuti at ina-update ng Blue Shield Pharmacy and Therapeutics (P&T) Committee ang formulary upang tiyakin na natutugunan nito ang lahat ng kinakailangan ng Medicare para sa mga kasama at hindi kasamang gamot.
Kasama sa Blue Shield P&T Committee ang mga doktor at mga clinical pharmacist mula sa aming mga network ng provider at pharmacy. Ang mga bumubotong miyembro ng committee ay hindi mga empleyado ng Blue Shield of California. Upang tulungan ang mga doktor sa pagreseta ng medikal na naaangkop at sulit na mga gamot, sinusuri ng P&T Committee ang:
- Medikal na literatura
- Mga label ng gamot ng FDA
- Pambansang mga alituntunin ng paggamot upang i-update ang formulary at pamantayan ng paunang pahintulot ng gamot
Lahat ng inirekomendang pagbabago sa mga formulary at pamatanyan ng paunang pahintulot ng gamot ng Blue Shield of California Medicare ay inaaprubahan muna ng Centers for Medicare and Medicaid Services (CMS), na nagbibigay ng pangangasiwa ng Medicare program.
Kapag ang inyong plano ay hindi sumasaklaw ng partikular na gamot, maaari ninyong hilingin sa Blue Shield of California na gumawa ng pagbubukod sa mga tuntunin na namamahala sa saklaw. Puntahan ang pahina na Mga pagpapasya at pagbubukod sa saklaw para sa higit pang impormasyon.
Ang Medicare Part B na mga diabetic test strip
Blue Shield 65 Plus (HMO), Blue Shield 65 Plus Plan 2 (HMO), Blue Shield Inspire (HMO), Blue Shield 65 Plus Choice Plan (HMO), Blue Shield Select (PPO), at Blue Shield Enhanced (HMO) ay kailangang i-refer sa sumusunod para sa higit pang impormasyon.
Alamin ang tungkol sa Part B na piniling mga diabetic test strip:
Ang Blue Shield AdvantageOptimum Plan (HMO), Blue Shield AdvantageOptimum Plan 1 (HMO), Blue Shield TotalDual Plan (HMO D-SNP) sa Orange at San Bernardino Counties, Blue Shield Inspire (HMO D-SNP), at Blue Shield TotalDual Plan (HMO D-SNP) sa Los Angeles at San Diego counties ay kailangang sumangguni sa sumusunod para sa higit pang impormasyon.
Alamin ang tungkol sa Part B na piniling mga diabetic test strip:
Mahalagang mensahe tungkol sa inyong mga gastusin para sa mga bakuna at insulin:
- Ang binabayaran ninyo para sa Paxlovid – sinasaklaw ng aming plano ang Paxlovid nang libre para sa inyo, kahit na hindi ninyo natugunan ang inyong nababawas, kung naaangkop.
- Ang binabayaran ninyo para sa mga bakuna – sinasaklaw ng aming plano ang karamihan sa mga Part D na bakuna nang libre para sa inyo, kahit na hindi ninyo natugunan ang inyong nababawas, kung naaangkop.
- Ang binabayaran ninyo para sa insulin – hindi kayo magbabayad ng higit sa $35 para sa isang buwang supply ng bawat produktong insulin na sinaklaw ng aming plano, kahit na nasa anumang tier ng bahaginan ng gastos ito nabibilang, kahit na hindi ninyo natugunan ang inyong nababawas, kung naaangkop.
Formulary ayon sa plano
Pumili ng isang plano upang makita ang listahan ng mga gamot na sinasaklaw ng plano. Available ang mga formulary online at sa PDF na format para i-download. Kakailanganin ninyo ng Adobe Reader para matingnan ang PDF.
Medicare Advantage Prescription Drug Plan na mga formulary (mga listahan ng mga saklaw na gamot)
Blue Shield 65 Plus (HMO) – Los Angeles County, Orange County, San Bernardino County at San Diego County
Blue Shield 65 Plus (HMO) – Kern County at Riverside County
Blue Shield 65 Plus (HMO) – San Luis Obispo County at Santa Barbara County
Blue Shield 65 Plus Choice Plan (HMO) – San Bernardino County at Riverside County
Blue Shield 65 Plus Plan 2 (HMO) – Los Angeles County at Orange County
Blue Shield AdvantageOptimum Plan (HMO) – Los Angeles County at Orange County
Blue Shield AdvantageOptimum Plan 1 (HMO) – San Diego County
Blue Shield Inspire (HMO D-SNP) – Merced County, San Joaquin County & Stanislaus County
Blue Shield Inspire (HMO) – Alameda County, San Mateo County, San Joaquin County, Stanislaus County, Merced County at Santa Clara County
Blue Shield Inspire (HMO) – Los Angeles County at Orange County
Blue Shield Select (PPO) – Alameda County, Orange County at San Diego County
Blue Shield TotalDual Plan (HMO D-SNP) – Orange County at San Bernardino County
Blue Shield TotalDual Plan (HMO D-SNP) – Los Angeles County at San Diego County
Medicare Prescription Drug Plan na mga formulary (mga listahan ng mga saklaw na gamot)
Saklaw sa pamamagitan ng inyong dating tagapag-empleyo/union
Y0118_24_492A2_C 09262024
H2819_24_492A2_C Accepted 10022024
Huling na-update ang pahina: 10/01/2024