Ano ang Medicare

Ang Medicare ay isang pederal na programa ng insurance sa kalusugan para sa mga taong 65 taong gulang o mas matanda pa. Sinasaklaw din ng Medicare ang ilang mas bata na may ilang partikular na kapansanan at mga taong may End-Stage na Sakit sa Bato (End-Stage Renal Disease, ESRD). May apat na bahagi ang Medicare: insurance sa ospital (Part A), Medikal na insurance (Part B), Medicare Advantage (Part C), at Mga Plano ng Inireresetang Gamot (Part D). 

Ang Medicare Part A at Part B na magkasama ay tinatawag na Original Medicare. Ang Part C at Part D ay idinagdag upang mapabuti ang mga gap sa saklaw ng Original Medicare.

Ang mga Medicare Supplement plan, na kilala rin bilang Medigap, ay mga pribadong plano ng insurance na makakatulong sa pagbabayad ng mga gastos sa pangangalagang pangkalusugan na hindi binabayaran ng Original Medicare. Kasama sa mga halimbawa ang mga copayment, coinsurance at mga nababawas.
 

Original Medicare: insurance sa ospital at medikal na insurance

Ang Original Medicare ay isang programa ng planong pangkalusugan na bayad para sa serbisyo at pinamamahalaan ng pederal. Nagbibigay ito sa mga karapat-dapat, ng saklaw para sa at access sa mga doktor, ospital at iba pang provider ng pangangalagang pangkalusugan na tumatanggap ng Medicare. (Tandaan: ang bayad para sa serbisyo ay isang anyo ng insurance sa kalusugan kung saan ang mga tagapagbigay ay nire-reimburse ng nakatakdang bayad para sa bawat serbisyong ibinibigay nila.)

Kalakip sa Original Medicare ang dalawang mga bahagi: Sinasaklaw ng Part A (Insurance sa ospital) ang mga serbisyo tulad ng pasilidad ng sanay na pag-aalaga o inpatient na pangangalaga sa ospital. Tumutulong ang Part B (medikal na insurance) sa pagbabayad ng mga serbisyo mula sa mga doktor, pangangalagang outpatient, o matibay na kagamitang medikal. Karamihan sa mga tao ay awtomatikong naka-enroll sa Medicare Part A pero dapat mag-sign up para sa Part B.

Medicare Part A: saklaw sa pagpapaospital

Babayaran ng Medicare Part A ang mga serbisyong natanggap sa isang ospital o sa isang lugar ng pangmatagalang pangangalaga:

  • Mga inpatient na serbisyo sa ospital at pangangalaga
  • Pangangalaga sa mga pasilidad ng sanay na pag-aalaga
  • Pangangalaga sa hospice
  • Mga serbisyo ng pangangalaga sa bahay (kasunod ng isang acute stay)
  • Mga transplant

 

Medicare Part B: saklaw ng mga serbisyong medikal

Binabayaran ng Medicare Part B ang pangangalagang outpatient, mga serbisyo ng doktor, mga medikal na supply, at mga preventive na serbisyo:

  • Mga pagpapatingin sa doktor
  • Mga serbisyong outpatient, operasyon, physical, speech at occupational therapy
  • Mga serbisyo ng ambulansya
  • Mga serbisyo ng pangangalaga sa bahay (hindi kasunod ng acute stay)
  • Mga pagsusuring medikal at laboratoryo
  • Durable medical equipment/matibay na kagamitang medikal at supply
  • Preventive care, mammography, Pap test

Medicare Part C: Medicare Advantage Plans

Kasama sa mga Medicare Advantage Plan ang lahat ng saklaw ng mga Medicare Part A at Part B. Pagkatapos ay magdaragdag sila ng saklaw para sa mga benepisyo tulad ng mga programa sa paningin, pandinig, dental, at kagalingan. Kasama sa karamihan sa mga plano ang saklaw para sa mga inireresetang gamot (Part D). Kilala ang mga ito bilang Medicare Advantage-Prescription Drug (MA-PD) Plans. Tanging mga pribadong kumpanya lang na inaprubahan ng Medicare ang makakapag-alok ng mga planong ito.

Dual Special Needs Plans

Kung karapat-dapat kayo para sa Medicare at Medi-Cal, angkop para sa inyo ang Dual Special Needs Plan (D-SNP). Nag-aalok ang mga D-SNP ng saklaw ng Medicare para sa Medicare Part C at Part D. Pinapababa rin nila ang inyong mga gastos, nag-aalok ng higit pang mga benepisyo, at tumutulong para makapagsama ang saklaw ng Medicare at Medi-Cal. 

Medicare Part D: Mga Plano ng Inireresetang Gamot

Nagbibigay ang Medicare Part D ng standalone na saklaw para sa inyong mga reseta. Maaari ninyong piliin ang standalone na saklaw na ito, na gumagana nang maayos kasama ng isang Medicare Supplement plan, o ipagsama ito sa isang Medicare Advantage-Prescription Drug (MA-PD) Plan. Nakakatulong sa inyo ang alinman sa dalawang opsyon na saklawin ang mga gastos ng inyong mga inireresetang gamot.

Mga plano ng Medicare Supplement (Medigap)

Kung karapat-dapat, makakakuha kayo ng saklaw sa kalusugan sa pamamagitan ng Original Medicare. Gayunpaman, hindi nito binabayaran ang lahat ng gastos sa pangangalagang pangkalusugan. Ang isang Medicare Supplement plan, o Medigap, ay makakatulong sa inyo para bayaran ang mga ekstrang serbisyo at benepisyo kabilang ang ilang copayment, coinsurance, at deductible.

Mga pagpipiliang plano ng Medicare


Kumpletong saklaw
Original Medicare  +  Medicare Supplement +  Prescription Drug Plans

Part A (ospital)

Part B (medikal)

Deductible, copay at iba pa

Opsiyonal na saklaw para sa dental at paningin

Part D (gamot)
O

Kumpletong saklaw
Medicare Advantage Prescription Drug Plans
Part C (ospital, medikal) Mga pagpipiliang plano para sa dental, mga karagdagang benepisyo Part D (gamot)

Pagiging karapat-dapat o kuwalipikado

Nagiging karapat-dapat kayo para sa saklaw ng Medicare pagsapit ninyo sa edad na 65. Maaari ring maging karapat-dapat ang mga mas nakakabatang may kapansanan o may End-Stage na Sakit sa Bato. Para sa mga wala pang edad 65 at may tanong tungkol sa pagiging karapat-dapat, pakipuntahan ang Medicare.gov.

Ang mga panuntunan sa pagiging karapat-dapat sa Medicare ay pareho para sa lahat. Ngunit maaaring iba ang panahon ng pagpapa-enroll. Ang ibinibigay na pitong buwan para mag-sign up ay nagsisimula tatlong buwan bago ang buwan na kayo ay magiging 65 taong gulang. Magtatapos ito tatlong buwan pagkatapos ng buwan na kayo ay naging 65 taong gulang. 

Magkano ang Medicare?

Karamihan sa mga tao ay nagbabayad ng buwanang premium at mga bayarin kapag nakatanggap sila ng pangangalaga. May iba't ibang mga gastusing mula sa sariling bulsa na nauugnay sa mga Medicare Part A, B, C, at D. Mahalagang maiintindihan ang mga gastusin at saklaw upang makakapili kayo ng pinakamahusay na plano para sa inyo.

Pag-aralan ang mga plano ng Medicare sa inyong lugar

Thanks! You’re going to:

We’ve sent you an email with a link and all the relevant information for the event.

Kumuha ng karagdagang impormasyon

Kumonekta sa amin

Makakuha ng mga sagot sa inyong mga katanungan tungkol sa Medicare. Tawagan ang isang tagapayo ng Blue Shield Medicare sa (800) 260-9607† (TTY: 711) o mag-book ng appointment online. Hindi ka obligadong mag-enroll.

Mag-book ng appointment

Sumali sa isang kaganapan ng Medicare

Dumalo sa isang libreng live o online na seminar upang matuto nang higit tungkol sa Medicare at masagot ang inyong mga tanong. 

Maghanap ng kaganapn >

Mag-download ng isang libreng booklet*

Kumuha ng libreng kopya ng Mga Opsiyon Ninyo sa Medicare para maunawaan ang inyong mga pagpipiliang saklaw. 

Kunin ang inyong booklet

Y0118_24_424A1_M Accepted 10122024
H2819_24_424A1_M Accepted 10122024 
Huling na-update ang pahina: 10/15/2024

*Libreng digital na kopya nang walang obligasyong mag-enroll.

Available ang mga Tagapayo ng Blue Shield Medicare mula Abril 1 hanggang Setyembre 30: 8 a.m. hanggang 8 p.m., Lunes hanggang Biyernes at mula Oktubre 1 hanggang Marso 31: 8 a.m. hanggang 8 p.m., pitong araw sa isang linggo.

© California Physician’s Service DBA Blue Shield of California 1999-2024. Nakareserba ang lahat ng karapatan.

Ang California Physician’s Service DBA Blue Shield of California ay isang nagsasariling miyembro ng Blue Shield Association.

Blue Shield of California 601 12th Street, Oakland, CA 94607.

Para sa Blue Shield Medicare Advantage Plans: Ang Blue Shield of California ay isang HMO, HMO D-SNP, PPO at PDP na plano na may kontrata sa Medicare at kontrata sa California State Medicaid Program. Nakadepende ang pagpapa-enroll sa Blue Shield of California sa pag-renew ng kontrata.

 
 
Sumusunod ang kumpanya sa mga naaangkop na batas ng estado at pederal na batas sa karapatang sibil at hindi ito nandidiskrimina, nagtatangi ng mga tao, o tinatrato sila nang naiiba batay sa lahi, kulay, pinagmulang bansa, etnikong pangkat, medikal na kundisyon, genetic na impormasyon, ninuno, relihiyon, kasarian, katayuan sa pag-aasawa, kinikilalang kasarian, sekswal na oryentasyon, edad, kapansanan sa pag-iisip, o pisikal na kapansanan. La compañía cumple con las leyes de derechos civiles federales y estatales aplicables, y no discrimina, ni excluye ni trata de manera diferente a las personas por su raza, color, país de origen, identificación con determinado grupo étnico, condición médica, información genética, ascendencia, religión, sexo, estado civil, género, identidad de género, orientación sexual, edad, ni discapacidad física ni mental. 本公司遵守適用的州法律和聯邦民權法律,並且不會以種族、膚色、原國籍、族群認同、醫療狀況、遺傳資訊、血統、宗教、性別、婚姻狀況、性別認同、性取向、年齡、精神殘疾或身體殘疾而進行歧視、排斥或區別對待他人。