Medicare savings programs at tulong pinansyal
Kung limitado ang inyong sahod at mga asset, maaari kayong maging kwalipikado para sa Medicare Savings Program upang tulungan kayong magbayad para sa mga gastos ng Medicare. May apat na uri ng Medicare savings program.
Apat na uri ng Medicare Savings Programs
Qualified Medicare Beneficiary (QMB) Program
Tumutulong ang QMB program sa pagbayad para sa:
- Mga premium ng Medicare Part A
- Mga premium ng Medicare Part B
- Mga nababawas, coinsurance, mga copayment (para sa mga serbisyo at bagay na sinasaklaw ng Medicare)
Specified Low-Income Medicare Beneficiary (SLMB) Program
Makakatulong sa inyo ang SLMB program na magbayad para sa:
- Mga premium ng Medicare Part B (Kailangang mayroon kayong Part A at Part B upang maging kwalipikado.)
Qualifying Individual (QI) Program
Makakatulong sa inyo ang QI program na magbayad para sa:
- Mga premium ng Medicare Part B (Kailangang mayroon kayong Part A at Part B upang maging kwalipikado.)
Qualified Disabled and Working Individuals (QDWI) Program
Makakatulong sa inyo ang QDWI program na magbayad para sa:
- Mga premium lang ng Medicare Part A
Nagbabayad para sa inyong mga gastusin sa Part D na inireresetang gamot
Maaaring maging kwalipikado ang mga taong may maliit na kita para sa karagdagang tulong upang mabayaran ang kanilang mga gastusin sa inireresetang gamot. Kapag naging karapat-dapat, maaaring bayaran ng Medicare ang 100% ng mga gastusin sa gamot -- kabilang ang buwanang mga premium ng inireresetang gamot, taunang mga nababawas, at coinsurance. Bukod dito, ang mga taong naging kwalipikado ay hindi magkakaroon ng gap sa saklaw o multa sa huling pagpapa-enroll.
Kung makakatanggap kayo ng karagdagang tulong mula sa Medicare upang tulungan kayong bayaran ang inyong mga gastusin sa plano ng inireresetang gamot ng Medicare, ang halaga ng karagdagang tulong na inyong makukuha ang magpapasiya sa inyong kabuuang buwanang premium ng plano bilang isang miyembro ng aming plano.
I-download ang chart upang tingnan kung magkano ang inyong buwanang premium ng plano kung makakatanggap kayo ng karagdagang tulong.
Chart ng buod ng MAPD LIS Premium: Ingles (PDF, 161 KB) / Español (PDF, X KB)
Chart ng buog ng PDP LIS Premium: Ingles (PDF, 180 KB) / Español (PDF, X KB)
Chart ng buog ng D-SNP LIS Premium: Ingles (PDF, 78 KB) / Español (PDF, X KB)
Paano ko malalaman kung kwalipikado ako para sa karagdagang tulong?
Kung naniniwala kayong kwalipilado kayo para sa Low-Income Subsidy (LIS) at nagbabayad ng 100% ng inyong premium, maaari kayong makipag-ugnayan sa mga mapagkukunan sa ibaba para sa karagdagang impormasyon:
- (800) MEDICARE o (800) 633-4227, 24 oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo (bukod sa ilang mga federal holiday). Dapat tumawag ang mga TTY user sa (877) 486-2048, 24 oras sa isang araw/pitong araw sa isang linggo.
- The Social Security Office sa (800) 772-1213 sa pagitan ng 8 a.m. at 7 p.m., Lunes hanggang Biyernes. Dapat tumawag ang mga TTY user sa (800) 325-0778, o pumunta sa https://www.ssa.gov/benefits/medicare/prescriptionhelp.
- Inyong state Medicaid office
- Blue Shield of California sa (855) 203-3874. Narito kami para tumulong.
Kumuha ng karagdagang impormasyon
Nakatutulong na mga artikulo
Maghanap ng impormasyon tungkol sa kalusugan at pangangalagang pangkalusugan upang tulungan kayong makagawa ng mahahalagang desisyon, mamuhay nang pinakamainam at makakuha ng higit pa mula sa inyong planong pangkalusugan.
Mga video na nagbibigay-kaalaman
Manood ng mga video na nagbibigay-kaalaman tungkol sa mahahalagang aspeto ng Medicare at inyong mga opsyon ng saklaw.
Mga FAQ
Makakuha ng mga sagot sa ilan sa aming mga pinakamadadalas na tanong tungkol sa Medicare.
Hindi ito kumpletong paglalarawan ng mga benepisyo. Maaaring makipag-ugnayan ang mga kasalukuyang miyembro sa Serbisyo sa Customer sa (800) 776-4466 (TTY: 711) para sa higit pang impormasyon. Mga oras ng pagbubukas 8 a.m. hanggang 8 p.m., pitong araw sa isang linggo. Maaaring makipag-ugnayan ang mga miyembrong may Blue Shield of California Dual Special Needs Plans sa (800) 452-4413 (TTY:711), 8 a.m. hanggang 8 p.m., pitong araw sa isang linggo.
Y0118_23_379A2_M Tinanggap 12202023
H2819_23_379A2_M Tinanggap 12202023
Huling na-update ang pahina: 01/01/2024