Patakaran sa kalamidad at emergency ng Medicare
Pagkuha ng pangangalaga sa panahon ng kalamidad o emergency para sa mga miyembro ng Medicare Advantage at Prescription Drug Plan
Kapag mahinto ang pangangalagang pangkalusugan sa panahon ng kalamidad o emergency, kikilos ang Blue Shield sa inyong ikabubuti. Mabilis kaming tutugon sa mga miyembrong nangangailangan. Susundin din namin ang lahat ng kinakailangan ng Center for Medicare and Medicaid Services (CMS). Sa isang emergency, magpapadala kami ng impormasyon sa mga miyembro sa pag-access sa pangangalagang pangkalusugan sa maraming paraan. Maaaring kasama rito ang direktang pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga tawag sa telepono, koreo, email, webpage, portal ng miyembro, at marami pang iba. Ito ay depende sa gusto ng miyembro at sa mga kinakailangan ng CMS.
Idedeklara ang kalamidad sa isa sa mga paraang ito:
- Pagpapahayag ng presidente sa isang sakuna o emergency sa ilalim ng Stafford Act of National Emergencies
- Pagpapahayag ng secretary sa isang pampublikong emergency sa kalusugan sa ilalim ng seksyon 319 ng Public Health Service Act
- Pagpapahayag ng gobernador ng estado o protectorate
Kapag nagdeklara ng sakuna o emergency at nahinto ang access sa pangangalaga:
- Sasaklawin ng Blue Shield of California ang mga benepisyong ipinagkaloob sa inyo ng mga wala sa network na provider.
- Hindi ninyo kailangan ng mga referral o paunang pahintulot.
- Magkakaroon kayo ng parehong pagbabahagi ng gastos na parang ang benepisyo ay ipinagkaloob ng nasa network na provider.
- Mapupunan ninyong muli ang mga reseta nang maaga kung kinakailangan.
Kapag natapos na ang sakuna, idedeklara ito sa isa sa mga paraang ito:
- Ang pinagmulan na nagdeklara ng pampublikong emergency sa kalusugan o estado ng sakuna ay nagdedeklara ng pagtatapos.
- Nagdedeklara ang Center for Medicare and Medicaid Services (CMS) ng pagtatapos sa pampublikong emergency sa kalusugan o estado ng kalamidad.
- Kapag lumipas na ang tatlumpung (30) araw simula ng pagpapahayag ng pampublikong emergency sa kalusugan o estado ng kalamidad, at walang tinukoy na petsa ng pagtatapos ang orihinal na pinagmulan ng CMS, ituturing ito na katapusan ng kalamidad.
Kung mayroon kayong anumang mga tanong, mangyaring makipag-ugnayan sa Serbisyo sa Customer ng Blue Shield of California para sa inyong partikular na plano:
Medicare Advantage Prescription Drug Plans
Telepono: (800) 776-4466 (TTY: 711) - 8 a.m. hanggang 8 p.m., pitong araw sa isang linggo
Dual Special Needs Plans
Telepono: (800) 452-4413 (TTY: 711) - 8 a.m. hanggang 8 p.m., pitong araw sa isang linggo
Medicare Prescription Drug Plans
Telepono: (888) 239-6469 (TTY: 711) - 8 a.m. hanggang 8 p.m., pitong araw sa isang linggo
Y0118_23_565A1_C 08312023
H2819_23_822E_C Accepted 12042023
Huling na-update ang pahina 1/1/2024