Ang inyong checklist ng Taunang Panahon ng Enrollment (Annual Enrollment Period, AEP)
5 hakbang sa pangangalaga sa kung ano ang pinakamahalaga sa lahat: Kayo
Ang Taunang Panahon ng Enrollment (Annual Enrollment Period, AEP) ay ang panahon ng taon kung saan makakapagpasya kayong manatili sa inyong kasalukuyang planong pangkalusugan o magsagawa ng mga pagbabago para sa darating na taon. Habang isinasaalang-alang ninyo ang saklaw para sa susunod na taon, mahalagang suriin ang inyong Taunang Abiso ng Mga Pagbabago – o ANOC. Inaanunsyo ng booklet na ito ang anumang pagbabago sa inyong kasalukuyang plano sa saklaw, mga gastos, o mga lugar ng serbisyo na magiging epektibo simula sa Enero. Matatanggap ninyo ang inyong ANOC sa pamamagitan ng koreo o sa pamamagitan ng email kung nag-opt in bago sumapit ang katapusan ng Setyembre.
Upang tulungan kayong magpasya kung makakatugon ang inyong plano sa inyong mga pangangailangan sa darating na taon, gumawa kami ng checklist sa ibaba. Tandaan: Kung gusto ninyo ang inyong kasalukuyang plano, wala nang kailangan pang gawin. Awtomatiko itong magre-renew.
Unang hakbang: Suriin ang inyong mga kasalukuyang benepisyo
Kung gusto ninyong manatili sa inyong kasalukuyang plano, wala na kayong kailangang gawin – nakahanda na kayo para sa susunod na taon. Kung nais ninyong magsagawa ng mga pagbabago, simula Oktubre 15, maaari ninyong baguhin ang inyong plano para sa 2024. Maaari niyo itong gawin hanggang Disyembre 7, 2023 Maaari niyong tingnan ang inyong kasalukuyang mga benepisyo sa pamamagitan ng pag-log sa portal ng miyembro.
Pangalawang hakbang: Tingnan kung ang inyong kasalukuyang mga benepisyo ng plano ay nagbabago
Tingnan sa inyong ANOC upang malaman kung ang inyong buwanang premium o nababawas ay nagbabago para sa 2024 at kung makakatugon pa rin ang inyong saklaw sa inyong mga pangangailangan. Kung hindi kayo nakatanggap ng inyong ANOC pakibisita ang pahina ng mga dokumento ng plano o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
Pangatlong hakbang: Tingnan kung ang inyong kasalukuyang mga benepisyo ng plano ay nagbabago
I-refer ang inyong ANOC upang malaman kung ang inyong mga gastusing mula sa sariling bulsa ay nagbabago, kung alinman sa inyong mga gamot ay magkakaroon ng mga bagong paghihigpit. Tingnan upang malaman kung magagamit pa rin ninyo ang parehong pharmacy. Kung may mga pagbabago, malalaman mo ang higit pa sa pamamagitan ng pagbisita sa aming pahina ng formulary.
Pang-apat na hakbang: I-verify kung ang mga medikal na provider na inaasahan ninyo ay nasa network pa rin
Ang mga doktor, espesyalista, ospital, at iba pang provider na saklaw sa ilalim ng inyong plano ay maaaring magbago sa paglipas ng panahon, kaya tingnan kung ang mga ginagamit ninyo ay nasa network pa rin namin.
Huling hakbang: Tungkol ang inyong mga opsyon sa planong pangkalusugan
Tingnan ang aming ibang mga plano ng Medicare upang makita kung may mas angkop para sa inyo.
Kung mayroon kayong mga tanong, bisitahin ang aming pahina ng mapagkukunan ng miyembro o tumawag sa Serbisyo sa Customer sa numero ng telepono sa inyong ID card ng miyembro ng Blue Shield.
Maaari rin kayong mag-sign up para sa isa sa mga virtual na orientation ng miyembro upang magtanong at makinig nang direkta mula sa aming mga miyembro ng pangkat ng Blue Shield. Narito kami para sa inyo.
Kumuha ng inyong ANOC online
Tingnan ang inyong 2024 na Taunang Abiso ng Mga Pagbabago sa listahan ng mga dokumento ng plano sa ilalim ng inyong plano at pangalan ng county.
Y0118_23_356A_C 07092023
Huling na-update ang pahina: 10/01/2023