Hinihiling ang Medication Therapy Management (MTM) Program ng Centers for Medicare & Medicaid Services (CMS) sa lahat ng sponsor ng Medicare Part D. Ang layunin ng MTM program ay para matulungan ang pharmacist o iba pang propesyonal sa kalusugan ang mga miyembro ng Medicare Part D na may mga kumplikadong pangangailangan sa kalusugan na pamahalaan ang kanilang mga gamot.
Magbibigay ang mga pharmacist mula sa Blue Shield of California o ang aming nakakontratang vendor, ang OutcomesTM, ng mga serbisyo ng MTM para sa mga miyembrong karapat-dapat. Ang mga pharmacist na ito ay mula sa OutcomesTM, lokal na komunidad, o bahagi ng aming network ng pharmacist provider at susuri sa gamot sa pamamagitan ng telepono o sa personal upang matulungan ang mga miyembro:
- Intindihin ang kanilang mga gamot at kundisyon
- Bawasan ang panganib ng mga side effect mula sa pag-inom ng gamot, kabilang ang mga interaksyon ng bawat gamot
- Tasahin kung may mga alternatibong mas mababa ang gastos
Pagiging Karapat-dapat sa Medicare Part D Medication Therapy Management Program
Ma-e-enroll ang mga miyembro sa aming MTM program kung kabilang sila sa isa sa mga sumusunod na partikular na grupo:
1. Mga minimum na threshold ng CMS (kailangang matugunan ng benepisyaryo ang bawat pamantayan):
a. Na-diagnose na may tatlo sa mga sumusunod na hindi gumagaling na kundisyong medikal:
• Alzheimer's Disease
• Bone diseases – arthritis (kabilang ang osteoporosis, osteoarthritis, at rheumatoid arthritis)
• Chronic heart failure (CHF)
• Diabetes
• Dyslipidemia
• End-Stage na Sakit sa Bato (End-stage renal disease, ESRD)
• Human immunodeficiency virus/Acquired immunodeficiency syndrome (HIV/AIDS)
• Alta presyon
• Kalusugan ng Isip (kabilang ang depresyon, schizophrenia, bipolar disorder, at iba pang hindi gumagaling/disabling na kundisyon ng kalusugan ng isip)
• Respiratory disease (kabilang ang hika, chronic obstructive pulmonary disease (COPD), at iba pang hindi gumagaling na sakit sa baga)
b. Nakakatanggap bawat buwan ng hindi bababa sa walo o higit pang saklaw na Part D na mga maintenance na gamot
c. Malamang na magkakaroon ng hindi bababa sa $1,623 na taunang gastos sa Part D na gamot
2. Natukoy bilang isang benepisyaryo na nasa panganib (at-risk beneficiary, ARB), gaya ng tinukoy ng 42 CFR § 423.100, dahil sa paggamit ng mga opioid at potensyal na benzodiazepine na gamot.
Kung kayo ay karapat-dapat, makakatanggap kayo ng sulat na nagpapakilala sa inyo sa programa at may kasamang impormasyon sa kung paano makapag-schedule ng appointment sa isang pharmacist. Maaari rin kayong makatanggap ng mga naka-automate o direktang tawag mula sa isang propesyonal sa kalusugan na magbibigay ng higit pang impormasyon tungkol sa MTM.
Wala kayong dagdag na gastos at maaari kayong magpasyang hindi lumahok. Kung ayaw ninyo o kung hindi kayo makakalahok, makipag-ugnayan sa Blue Shield of California para mag-opt out sa programa. Gayunpaman, inirerekumenda naming samantalahin ninyo nang husto ang serbisyong ito kung natutugunan ninyo ang mga kinakailangan sa pagiging karapat-dapat.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa aming Medication Therapy Management Program, tumawag sa serbisyo sa customer ng Blue Shield sa numero sa inyong ID card.
Mga Serbisyo ng Medication Therapy Management Program
Binubuo ang MTM program ng dalawang pangunahing serbisyo:
- Taunang Kumprehensibong Pagsusuri sa Gamot (Comprehensive Medication Review, CMR)
- Targeted na Pagsusuri sa Gamot (Targeted Medication Review, TMR)
Makikipagtulungan ang mga pharmacist nang direkta sa mga miyembrong karapat-dapat makatanggap ng mga serbisyo at mga provider upang tumulong na tiyakin na makakakuha ng pinakamaraming benepisyo ang mga miyembro mula sa mga gamot na kanilang iniinom.
1. Taunang Kumprehensibong Pagsusuri sa Gamot (Comprehensive Medication Review, CMR)
Magsasagawa ang mga pharmacist ng one-on-one na konsultasyon sa pamamagitan ng telepono o sa personal sa mga miyembro upang masuri ang kanilang kasaysayan sa paggamot, kabilang ang reseta, over-the-counter (OTC), at mga alternatibong therapy na gamot.
Makakatanggap ang miyembro ng nakasulat na buod ng konsultasyon, na may mga kaugnay na pagtatasa at rekumendasyon. Maaari ring makipag-ugnayan ang pharmacist sa nagreresetang doktor ng miyembro upang ma-coordinate ang pangangalaga o magkapagrekumenda ng mga pagbabago sa therapy.
Standard Patient Takeaway, English (PDF, 444 KB)
Standard Patient Takeaway, Spanish (PDF, 313 KB)
Standard Patient Takeaway, Arabic (PDF, 481 KB)
Standard Patient Takeaway, Armenian (PDF, 398 KB)
Standard Patient Takeaway, Simplified Chinese (PDF, 375 KB)
Standard Patient Takeaway, Traditional Chinese (PDF, 371 KB)
Standard Patient Takeaway, Farsi (PDF, 521 KB)
Standard Patient Takeaway, Khmer (PDF, 285 KB)
Standard Patient Takeaway, Korean (PDF, 477 KB)
Standard Patient Takeaway, Russian (PDF, 400 KB)
Standard Patient Takeaway, Tagalog (PDF, 313 KB)
Standard Patient Takeaway, Vietnamese (PDF, 427 KB)
2. Targeted na Pagsusuri sa Gamot (Targeted Medication Review, TMR)
Tinututukan ng isang TMR ang partikular na natukoy na problema sa gamot o tinatasa kung may potensyal na problema na may kaugnayan sa gamot at isasagawa para sa mga miyembrong karapat-dapat makatanggap ng mga serbisyo nang kahit kada quarter man lang sa buong taon.
Magpa-follow up ang mga pharmacist sa mga miyembro kung kinakailangan at maaaring makipag-ugnayan sa nagreresetang doktor o doktor ng pangunahing pangangalaga ng miyembro upang magrekumenda ng mga pagbabago sa therapy.
Y0118_25_096A_C 02182025
H2819_25_096A_C Accepted 02232025
Huling na-update ang page: 2/23/2025