Proseso at patakaran ng paglipat ng gamot
Kung kayo ay bagong miyembro at umiinom ng inireresetang gamot na wala sa formulary ng inyong plano (listahan ng mga saklaw na gamot), kailangan ninyong sundin ang aming proseso ng paglipat sa gamot. Alamin ang tungkol sa inyong mga mapagpipilian para sa prosesong ito sa seksyong ito. Maaari rin ninyong basahin ang aming Patakaran sa Paglipat (PDF, Malapit na).
Ano ang gagawin kung ang inyong gamot ay wala sa formulary o kung ang gamot ay pinaghihigpitan sa ilang paraan
Kung ang inyong gamot ay wala sa inaprubahang listahan ng mga gamot o pinaghihigpitan:
- Maaari kayong lumipat sa ibang gamot.
- Maaari kayong humiling ng pagbubukod at hilingin sa plano na saklawin ang gamot o tanggalin ang mga paghihigpit sa gamot.
- Maaari kayong makakuha ng pansamantalang supply ng gamot. Bibigyan kayo nito at ang inyong doktor ng panahon para magpalit ng ibang gamot o para maghain ng pagbubukod.
Tandaan: Tanging mga miyembro lang sa mga partikular na sitwasyon ang makakakuha ng pansamantalang supply. (Tingnan sa ibaba)
Mga kinakailangan sa pansamantalang supply
Sa ilalim ng mga partikular na sitwasyon, ang inyong Blue Shield of California Medicare plan ay maaaring mag-alok ng pansamantalang supply ng gamot na kailangan ninyo. Kapag ginagawa ito ay mabibigyan kayo ng panahon upang kausapin ang inyong doktor tungkol sa mga available na alternatibo.
Upang maging karapat-dapat para sa isang pansamantalang supply, kailangang matutugunan ninyo ang dalawang kinakailangan:
1. Kailangang ang pagpapalit sa saklaw ng inyong gamot ay isa sa mga sumusunod na uri:
- Ang gamot na inyong iniinom ay wala na sa listahan ng gamot (formulary) ng plano.
- Ang gamot na inyong iniinom ay pinaghihigpitan na ngayon sa ilang paraan. Ipinapaliwanag sa Kabanata 5, Seksyon 4 sa Ebidensya ng Saklaw (Evidence of Coverage, EOC) ang mga paghihigpit.
2. Kailangang kayo ay nasa isa sa mga sumusunod na sitwasyon:
- Para sa mga miyembro na nasa plano sa nakaraang taon at apektado sa mga pagbabago sa saklaw ng gamot:
Sasaklawin namin ang isang pansamantalang supply ng inyong gamot sa panahon ng unang 90 araw sa taon sa kalendaryo. Ang pansamantalang supply na ito ay magiging para sa maximum na 30 araw na supply. Kung ang inyong reseta ay para lamang sa ilang araw, pinapayagan namin ang ilang beses na pag-refill upang makapagbigay ng hanggang pang-30 araw na supply ng gamot. Dapat ninyong punan ang reseta sa isang pharmacy na nasa network. (Maaaring magbigay ang mga pharmacy ng pangmatagalang pangangalaga ng gamot sa mas kaunting piraso upang hindi maaksaya.) - Para sa mga bagong miyembro na apektado ng mga pagbabago sa saklaw ng gamot:
Sasaklawin namin ang isang pansamantalang supply ng inyong gamot sa panahon ng unang 90 araw sa taon sa kalendaryo. Ang pansamantalang supply na ito ay magiging para sa maximum na 30 araw na supply. Kung ang inyong reseta ay para lamang sa ilang araw, pinapayagan namin ang ilang beses na pag-refill upang makapagbigay ng hanggang pang-30 araw na supply ng gamot. Dapat ninyong punan ang reseta sa isang pharmacy na nasa network. - Para sa mga naging miyembro ng plano ng mahigit 90 araw, nakatira sa isang pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga, at nangangailangan ng agarang supply:
Sasaklawin namin ang isang 31 araw na supply ng partikular na gamot, o mas kaunti kung nakasulat para sa mas kaunting mga araw ang inyong reseta. Bukod pa ito sa pansamantalang supply na sitwasyon sa itaas.
Kung wala kayong saklaw ng inireresetang gamot (Medicare Part D), isasaalang-alang kung ang Medicare prescription drug plan ay tama para sa inyo.
Matuto nang higit pa sa patakaran sa paglipat ng Blue Shield:
Patakaran sa paglipat, Ingles (PDF, 221 KB)
Patakaran sa paglipat, Espanyol (PDF, 220 KB)
Patakaran sa paglipat, Arabic (PDF, 530 KB)
Patakaran sa paglipat, Armenian (PDF, 482 KB)
Patakaran sa paglipat, Chinese (Simplified) (PDF, 342 KB)
Patakaran sa paglipat, Chinese (Traditional) (PDF, 353 KB)
Patakaran sa paglipat, Farsi (PDF, 469 KB)
Patakaran sa paglipat, Khmer (PDF, 731 KB)
Patakaran sa paglipat, Korean (PDF, 169 KB)
Patakaran sa paglipat, Russian (PDF, 364 KB)
Patakaran sa paglipat, Tagalog (PDF, 292 KB)
Patakaran sa paglipat, Vietnamese (PDF, 318 KB)
Y0118_24_492A2_C 09262024
H2819_24_492A2_C Accepted 10022024
Huling na-update ang pahina: 10/01/2024