Mga Serbisyo ng Provider ng Pharmacist
Paghingi ng tulong sa inyong mga kailangang gamot
Kasama na ngayon sa mga benepisyo ng inyong planong pangkalusugan ng Blue Shield of California ang access sa aming network ng mga provider ng pharmacist upang tulungan kayo sa inyong mga kailangang gamot na libre para sa inyo. Maaari kayong maghanap ng personal pharmacist para:
- Suriin ang inyong mga gamot at sagutin ang mga tanong tungkol sa mga bagong gamot
- Tumulong sa inyong saklaw ng gamot at sa pagpapababa ng inyong mga gastusin sa reseta
- Tulungan kayong makamit ang inyong mga layunin sa paggagamot kabilang ang mga therapy na walang kasamang gamot
Kasama sa aming network ng mga provider ng pharmacist yung mga bahagi ng inyong kasalukuyang sistema ng kalusugan o medikal na tanggapan, yung mga nagtatrabaho sa mga center ng pangangalaga ng pharmacy, at mga nagsasariling practitioner. Kung makikilala namin ang isang potensyal na pangangailangan na may kaugnayan sa gamot, maagap na makikipag-ugnayan sa inyo ang isa sa aming mga provider ng pharmacist para sa isang pagbisita sa telepono, at sila ay mahigpit na makikipagtulungan sa inyong mga doktor at sa in-network na piniling pharmacy upang i-coordinate ang inyong pangangalaga.
Ang aming mga kaakibat na sentro ng pangangalaga ng pharmacy
Sentro ng pangangalaga ng pharmacy | Numero ng telepono |
---|---|
APNI Health, Inc. | (833) 532-5744 |
Avina Health | (661) 425-7107 |
Clinicare Pharmacy – Advanced Practice Pharmacy Care Center | (818) 727-7234 (747) 224-0373 |
University of Southern California (USC) Virtual Pharmacist Care Center | (626) 457-4054 |
Western University of Health Sciences | (909) 469-5691 |
MULTI-PLAN_23_388A_C 07252023
Huling na-update ang page: 10/01/2023