Proseso at patakaran ng paglipat ng gamot

Kung kayo ay bagong miyembro at umiinom ng inireresetang gamot na wala sa inyong formulary ng plano (listahan ng mga covered na gamot), kailangan ninyong sundin ang aming proseso ng paglipat ng gamot. Alamin ang tungkol sa inyong mga mapagpipilian para sa prosesong ito sa seksyong ito. Maaari rin ninyong basahin ang aming Patakaran sa Paglipat

 

Ano ang gagawin kung ang inyong gamot ay wala sa formulary o kung ang gamot ay pinaghihigpitan sa ilang paraan

Kung ang inyong gamot ay wala sa inaprubahang listahan ng mga gamot o pinaghihigpitan:

  • Maaari kayong lumipat sa ibang gamot.
  • Maaari kayong humiling ng pagbubukod at hilingin sa plano na saklawin ang gamot o tanggalin ang mga paghihigpit sa gamot.
  • Maaari kayong makakuha ng pansamantalang supply ng gamot. Bibigyan kayo nito at ang inyong doktor ng panahon para magpalit ng ibang gamot o para maghain ng pagbubukod.  

Tandaan: Tanging mga miyembro lang sa mga partikular na sitwasyon ang makakakuha ng pansamantalang supply. (Tingnan sa ibaba)

 

Mga kinakailangan sa pansamantalang supply

Sa ilalim ng mga partikular na sitwasyon, ang inyong Blue Shield of California Medicare plan ay maaaring mag-alok ng pansamantalang supply ng gamot na kailangan ninyo. Kapag ginagawa ito ay mabibigyan kayo ng panahon upang kausapin ang inyong doktor tungkol sa mga available na alternatibo.

Upang maging karapat-dapat para sa isang pansamantalang supply, kailangang matutugunan ninyo ang dalawang kinakailangan:

1. Kailangang ang pagpapalit sa saklaw ng inyong gamot ay isa sa mga sumusunod na uri:

  • Ang gamot na inyong iniinom ay wala na sa listahan ng gamot (formulary) ng plano.
  • Ang gamot na inyong iniinom ay pinaghihigpitan na ngayon sa ilang paraan. (Ipinapaliwanag sa Kabanata 5, Seksyon 4 sa Ebidensya ng Saklaw, Evidence of Coverage (EOC) ang mga paghihigpit

2. Kailangang kayo ay nasa isa sa mga sumusunod na sitwasyon:

  • Para sa mga miyembro na nasa plano sa nakaraang taon at apektado sa mga pagbabago sa saklaw ng gamot:
    Sasaklawin namin ang isang pansamantalang supply ng inyong gamot sa panahon ng unang 90 araw sa taon sa kalendaryo. Ang pansamantalang supply na ito ay magiging para sa maximum na 30 araw na supply. Kung ang inyong reseta ay para lamang sa ilang araw, pinapayagan namin ang ilang beses na pag-refill upang makapagbigay ng hanggang pang-30 araw na supply ng gamot. Dapat ninyong punan ang reseta sa isang pharmacy na nasa network. (Maaaring magbigay ang mga pharmacy ng pangmatagalang pangangalaga ng gamot sa mas kaunting piraso upang hindi maaksaya.)
  • Para sa mga bagong miyembro na apektado ng mga pagbabago sa saklaw ng gamot:
    Sasaklawin namin ang isang pansamantalang supply ng inyong gamot sa panahon ng unang 90 araw sa taon sa kalendaryo. Ang pansamantalang supply na ito ay magiging para sa maximum na 30 araw na supply. Kung ang inyong reseta ay para lamang sa ilang araw, pinapayagan namin ang ilang beses na pag-refill upang makapagbigay ng hanggang pang-30 araw na supply ng gamot. Dapat ninyong punan ang reseta sa isang pharmacy na nasa network.
  • Para sa mga naging miyembro ng plano ng mahigit 90 araw, nakatira sa isang pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga, at nangangailangan ng agarang supply:
    Sasaklawin namin ang isang 31 araw na supply ng partikular na gamot, o mas kaunti kung nakasulat para sa mas kaunting mga araw ang inyong reseta. Bukod pa ito sa pansamantalang supply na sitwasyon sa itaas.

 

Kung wala kayong saklaw ng inireresetang gamot (Medicare Part D), isasaalang-alang kung ang Medicare prescription drug plan ay tama para sa inyo.

 

Matuto nang higit pa sa patakaran sa paglipat ng Blue Shield:

Patakaran sa paglipat, Ingles (326 KB)

Patakaran sa paglipat, Espanyol (378 KB)

Patakaran sa paglipat, Arabic (506 KB)

Patakaran sa paglipat, Armenian (370 KB)

Patakaran sa paglipat, Chinese (Simplified) (406 KB)

Patakaran sa paglipat, Chinese (Traditional) (340 KB)

Patakaran sa paglipat, Farsi (391 KB)

Patakaran sa paglipat, Khmer (353 KB)

Patakaran sa paglipat, Korean (461 KB)

Patakaran sa paglipat, Russian (518 KB)

Patakaran sa paglipat, Tagalog (371 KB)

Patakaran sa paglipat, Vietnamese (677 KB)

Y0118_23_388A1_C 08172023
H2819_23_388A1_C 08172023

Huling na-update ang page: 10/14/2023

*Libreng kopya nang walang obligasyong mag-enroll.

© California Physician’s Service DBA Blue Shield of California 1999-2024. Nakareserba ang lahat ng karapatan.

Ang California Physician’s Service DBA Blue Shield of California ay isang nagsasariling miyembro ng Blue Shield Association.

Blue Shield of California 601 12th Street, Oakland, CA 94607.

Para sa Blue Shield Medicare Advantage Plans: Ang Blue Shield of California ay isang HMO, HMO D-SNP, PPO at PDP na plano na may kontrata sa Medicare at kontrata sa California State Medicaid Program. Nakadepende ang pagpapa-enroll sa Blue Shield of California sa pag-renew ng kontrata.

 
 
Sumusunod ang kumpanya sa mga naaangkop na batas ng estado at pederal na batas sa karapatang sibil at hindi ito nandidiskrimina, nagbubukod ng mga tao, o pinapakitunguhan sila nang naiiba, batay sa lahi, kulay, pinagmulang bansa, kinabibilangang etnikong pangkat, medikal na kondisyon, genetic na impormasyon, lipi, relihiyon, kasarian, katayuan sa pag-aasawa, kinikilalang kasarian, sekswal na oryentasyon, edad, kapansanan sa pag-iisip, o pisikal na kapansanan. La compañía cumple con las leyes de derechos civiles federales y estatales aplicables, y no discrimina, ni excluye ni trata de manera diferente a las personas por su raza, color, país de origen, identificación con determinado grupo étnico, condición médica, información genética, ascendencia, religión, sexo, estado civil, género, identidad de género, orientación sexual, edad, ni discapacidad física ni mental. 本公司遵守適用的州法律和聯邦民權法律,並且不會以種族、膚色、原國籍、族群認同、醫療狀況、遺傳資訊、血統、宗教、性別、婚姻狀況、性別認同、性取向、年齡、精神殘疾或身體殘疾而進行歧視、排斥或區別對待他人。